Sabado, Enero 28, 2012

Tough times are tough

I have deserted you for weeks!!! Grabe! Pero it felt only days! I have been working on things kasi as always at hindi sila maubos-ubos!  Yung parang pagnatapos mo yung isa may susunod nanamang isa or minsan nag-ooverlap na sila and most of the times as in magkasabay na sila and I'm really fascinated kung paano ko sila nakakayang gawin pero sometimes I don't think much of it. Sinasabi ko na lang na kailangan matapos na 'to! Kung hindi kaya, kayanin! Kung hindi talaga hingi man lang ng extensions! I hate deadlines.....they kept me dead at some point. Lalo na kung magkakasunod yung deadline ng kung alin-alin tas hindi ko na alam kung uunahin ko ba si ito or si ito. And these things really interferes my life at home. Almost everyday na akong 8:00pm nakakauwi samantalang 2:50pm dismissal namin. Nagtataka na nga yung magulang ko eh. But I always tell the truth to them. If project....edi project. Kung saan, edi sasabihin ko kung saan. Kung bakit natagalan, edi sasabihin ko (Most of the time dahil sa SG). Tas sasabihin ko na rin na kumain kami kaya mas ginabi ako which is the truth. Ang hirap kasi umuwi na gutom na gutom and you found out na walang pagkain sa bahay. It happens most of the time kaya nababadtrip lang ako umuwi. Kaya sa labas na lang ako kumakain. Hehehe! Magastos man, pero mas ok na yun kesa naman mabadtrip lang ako lagi pag-uwi ko, baka magawa ko pang maglayas....hehehe

So first.... anu ba yung mga nakaharap kong kaanuhan sa buhay na nagpahirap sa akin this few weeks. First is our IP or investigatory project on science this fourth year students about the effect of different genres of music to the retention of the short-term memory of high school freshmen. Yung teacher namin nirerequire kaming isubmit ang initial proposal  ng IP namin for just 1 week! Eh yung week na yun yung time na sobrang busy kami kasi malapit na magexam! 3 days nung week na yun ay exam days, meaning 1 day lang kami makakagawa ng proposal na iyon which is monday kasi pagdating ng tuesday, magrereview na kami, that's until friday (end of our exam). Since tagaUP yung teacher namin, he has standards we've never encountered in our whole life lalo na pagdating sa IP's. Yung INITIAL proposal naming yun ay aabutin na ata ng 25-30 pages! INITIAL pa lang yun ah! Nakakadugo ng utak! I in-charged myself on the Introduction and Technique of analysis. Yung iba sa kagroup ko na. Ang hirap maging leader! Phew! But being the leader makes you learn more. But here is the good side! Naintindihan nung teacher namin na uber tight na talaga ng sched namin kaya ang sabi nya kahit next week na raw ng tuesday magpasa, not the proposal but rather the tarpaulin ng IP namin na ibabandera sa science exhibit which is the very first time na may nagpatarp ng IP's. Yung tarp ay waaaaaay easier than the initial proposal kaya I'm so thankful in all ways! Such a relief!

So the day of the exam came. First day ay english, tle, filipino, and journalism and I made such a terrible performance! UGH! Alam ko yung isasagot! Hindi ko lang sila sinagot dahil sa katangahan! For example, yung sa english, walang label yung business letter ko like the complimentary close, body, signature, etc. pero i know those things! nawala lang sa isip ko! Tas yung sa tle, hindi ko masyado napag-iisipan yung mga sagot ko. bigla na lang yun yung nasusulat ko then EWAN! I don't wanna talk about it. Sumasama lang yung pakiramdam ko sa sarili ko. But the second and third day went quite well.....I hope

How about nung weekends after the exam? WALA! WALANG PARTY PARTY OR CELEBRATION NA "YES! SAWAKAS! TAPOS NA EXAMSSS! REWARDAN NAMAN NATIN SARILI NATIN" WALANG GANON!So anung meron? Hahahaha! Got to be ready for the exibhit! I went to the school that saturday para tumulong sa math exibhit because on the previous year, I was the vice-president of math club. Pero 'di na ako pwede maging officer ng kahit anung club because I'm an SG officer, which is sad pero that's how it should be. So hindi na ako nakatulong masyado sa math club, why? dahil sa utos ng mga teachers! huhuhuhu! wala actually yung moderator ng math club nung mga panahon na iyon dahil MTAP nung araw na yon kaya yung mga teachers nauutusan ako, maybe because I was an SG officer. First, may project kasi kami sa SG na mangongolekta ng papers and bottles to lessen the garbage around the school and to raise funds as well. Every saturday namin binebenta yung mga na-collect namin and too bad, wala masyadong nacollect for that week. That's why since ako lang ang SG officer dun sa araw na iyon, inikot ko ang 25 CLASSROOMS ON 3 FLOORS WITH A GARBAGE BAG ON MY HAND! Ansakit sa likod kasi yuko ako nang yuko. But after that, it was well. Aside from that, inutusan din ako ng computer teacher namin to make trivias about the Philippines like: What place in the philippines received the highest temperature so far? : Tuguegarao! I made 10 of it which is not hard at some point. Next naman, inutusan ako ng adviser namin which is at the same time our Social Studies teacher about different things like: pakikuhanaman ito sa classroom or pakiayos naman yung ganito sa exhibit. It was tiring. And wala na akong halos naitulong sa math. But I do look on the bright side thinking na may tiwala sa akin yung mga teachers na magagawa ko yung inuutos nila kaya naibibigay sa akin yung ganung tasks which is not bad at all. So that day too, nakauwi na yung mga MTAP participants namin. They said everything went quite well. But one will be eliminated sa 4th year dahil dalawa lang ang participants na kukunin and three yung pinadala namin. Their names were Moises, Elena, and Uriah. 'Di pa namin alam yung results kasi nagpaiwan yung moderator namin dun sa Parada (Name ng venue of MTAP). So while we're waiting, nagkwentuhan muna kami ng stuffs about this year's elimination round like: Yung "in" akala nila as in word na "in" yun pala pinaikling "inches" XD HAHAHA! Tas yung nung nagCR si Elena, may 3 atang cubicles dun at isa lang yung may pinto at wala pang lock, kaya binuksan niya yun. Nung pagkabukas niya, may nakita siyang lalaki na nakatalikod at gumagamit nung cubicle. EH GIRLS' BATHROOM po iyon! HAHAHAHA! Kaya lumabas muna si elena! Nung lumabas na rin yung lalaki, tinignan niya yung taas nung door na nakalagay ay 'she' then yung facial expression nung lalaki ay super napahiya! XD HAHAHAHA! That gained me so many laughs until nakauwi na sa school yung moderator ng math which is Ma'am Cha. It was good news for the whole view of her news kasi from first year to fourth year ay nagnumber 1! :D but the bad news is that yung natanggal sa 4th year ay si Elena. She got 28/50 ata. Not sure. Siya actually yung top1 sa from 1st yr - 2nd yr but now she's top 2, pati last year. For 3 consecutive years actually, kasali siya sa MTAP pero ngayon, hindi na. She really cried about it a lot. And I'm fascinated na she didn't tried to stop it because we're in front of her. Kaya naisip ko na she's comfortable with us. I felt sad. Really sad and at some point gusto kong kunin yung kahit konting hirap na nararanasan niya because I know I can handle it more at kakayanin ko. Naawa rin ako at some point pero 'di ko pinakita yun kasi she doesn't need it. What she needs i think is acquaintance. And we all did it for her. At the end of the day... she got through it. Thanks to Sir Betic (Science teacher ng lower years) na nilait-lait siya in a laughing way that made her not cry but laugh instead at the same time immunizing her from the words others may say or even think at her back. Kaya it ended up quite nice I think. That day, we came home late. As far as i remember parang 7:30 na ata! HAHAHAHA! Di na kami kumain sa labas! Good thing may pagkain sa bahay :D
HAHAHAHA! Meron pa! TONS! On monday, walang pasok kasi Chinese new year eh! Kaya nagpameeting ako sa English presentation namin about 'The Necklace' by Guy de Maupassant. IT WENT HORRIBLE! Why?! Out of 9 members, 5 lang duamting, at sa 5 na iyon, 3 ay marketing! (Marketing is when we go out of the campus at pumupunta kami sa mga elementary public schools para i-promote ang school namin) Sa 3 yun ay kasama ako, which is the Leader of our group and at the same time, audio and stage diresctor, and narrator of the play! Ang sched namin sa marketing ay sa tuesday (the day after this practice day) at yun din ay yung performance day. Kulang na nga kami, may mawawala pa sa mismong performance! Ahuhuhuhu! we ended up na uber konti lang ng naplano! So harsh. After that, nagpagawa kami ng tarpaulin for the science exhibit. Nagpatulong kami kay ma'am Cha! ANg galing niya gumawa ng tarp layout! Nakakaelibs grabe! Sana matuto din ako ng ganun someday, but not these days. Hindi na kakayanin eh! Natapos yung layout ng 6:00 then yung printing 30 mins. pa. Huhuhu! Pero nagvolunteer na si ma'am na siya na raw magdadala ng tarp sa tuesday kaya nakauwi na kami ng mas maaga. I got home 7:15pm na ata! Eh 8:00am ako umalis ng bahay at walang pasok noon! HAHAHAHA! XD

The next day, marketing nga talaga kami! At hindi yung english teacher namin yung makakasama namin for that marketing kundi ibang teacher. So that means tuloy na tuloy na yung performance! HUHUHUHU! I didn't know what to do. Sinabihan ko pa yung mga groupmates ko na pumasok ng maaga para makapagpractice but they didn't do it! Nakakainis! That's why I approached our english tearcher, Ms. Janel, to tell her the whole story of what happened yesterday. Naconvince ko naman si ma'am. But on that day, I found out na kami pa yung nakabunot ng 1, meaning kami pa yung unang magpeperform! HAAAAAY DESTINY NGA NAMAN OH! They told her some excuses lalo na yung mga hindi umattend ng practice. Nagalit ata si Ma'am Janel, That's what my groupmates said. HUHUHUHU! Pinullout ako ng tatay ko nung araw na iyon for reservation para sa USTe. It was a good university! Ang gaganda ng mga facilities and ang lawak! HAHAHAHA! I love everything about it :)

Then next day, wednesday, walang english so hindi kami magpeperform. Ang inaalala ko naman ay yung debate namin after class sa school! Kasali kasi ako sa debate nun! Umabot na kami ng FInals. ANg kalaban naman namin ay yung mga taga first section ng third year! AY GRABE! Wala nang tao halos sa classroom namin kasi halos lahat sa amin ay pulled out for certain reasons. I was too dahil sa SG. Pero pinaghahandaan ko na lang yung debate! So how it went? Hindi naman harsh and at some point, it was okay! Friendly pa rin kami before and after the event! Pero kabado talaga ako nung nakikipagdebate kami sa kanila. But I think I did a good job....sana! Bukas pa malalaman yung results! HAHAHA! Some part of me ay umaasa, some just didn't.

This is getting long! Last two na! So after that day ay may program! GENERAL QUIZ BEEEEEEEEE! HAHAHAHA! This time 'di na ako kasali! XDDD But we helped organized it because I'm an SG officer! Hirap maging SG shet! XD Tumulong ako magakyat ng computers and tables. Magdikit ng letterings and kahit ano pa! And so, the time approached. Ako yung nagtatally ng scores. HAHAHA! sa stage pa yun kaya kailangan presentable ang datingan XD Phew! Ang pambato namin ay sina Elena at Uriah. yung sumali sa MTAP. Napaelibs ako ng results although i had my hopes high for it. Elena WON! YEHEY! 27/50, 5 questions sa easy, average and difficult round. 2 points sa easy, 3 sa average and 5 sa difficult! AYOS! 3rd si Uriah! May medal pa rin naman yun! YUNG SECOND PLACER AY FIRST YEAR! GRABE! ELIBS NA ELIBS KAMI SA KANYA! ANG GALING! HAHAHA! Nagulat ako kay elena! Yung mga difficult questions af nasagot nya yung iba dun! NAKAKALULA! HAHAHAHAHA! GAling! Also, inannounce na yung sa debate! WINNER KAMIIII!!!! YEHEYYYYYY! :DDDDDDDDDDD PALAKPALAKAN! Also, teacher's day yung araw na iyon for our school so I gave flowers. After the program, may party rin na ginawa si Dennimar (My Classmate) where teachers are invited! Medyo nagkakahiyaan pa nung una pero it went fun and wild sa huli! HAHAHAHA! Saya! I hoped for liquors kasi hindi pa ako nakakatikim nun SRSLY! I want to try, not yung napakadami but to ease my curiosity. HEHEHE! But all in all. It was Fun :D

So today, Sunday. I'm finishing this book na pinahiram sa akin ni Ma'am Marie (secretary ng principal namin) calles "The Perks of Being a Wallflower" by Stephen Chbosky. IT WAS GETTING AWESOME AS I READ FURTHER! Ang ganda! Nakakarelate ako most of the time dahil yung kwento ay about high school itself! Hehehehe! I encourage everyong especially the youth to read it, currently, I'm at page 190 out of 230. Hahahaha! I'll finish it today and maybe I'll stop it right here. Hehehehe! Ang haba! May mag-aaksaya kaya ng panahon na basahin 'to? Ewan.....'till next time :DDDD

Miyerkules, Enero 11, 2012

Man of No Sleep

My very first post! Yey! 'Di na ako nag-aaspire na may sadyang magbabasa ng blog kong ito. Gusto ko lang talagang magsulat at matry magblog. Is it too late? Tagal na kasi sumikat ng mga blog eh. Pero anyway, I'm don (Like that's my real name). As a very busy person, full of expectations and demanding schedule, nahirapan na talaga ako ilabas yung talagang nasa isip ko. In my case kasi, you have to be professional. Trabaho kung trabaho. Yes, senior student pa lang ako sa St. Louis College Valenzuela (SLCV), but it's really tough you know. The school definitely have some standards to maintain most especially if you're aspiring for honors. Aside from being a nerd (at some point I consider myself as that, masyado kasi akong obsessed sa grade)  in the class, I am also the Treasurer of the Student Government (SG) sa HS dept. Ang hirap, no, not maging treasurer pero to be SG itself. I never thought na ganun ako mahihirapan sa pinasok ko. Last year kasi Math Club Vice-president lang ako, and it went out pretty good kaya I had had the courage to try and experience to become an SG. At some point nga lang, pinagsisisihan ko na na tumakbo ako in the first place pero there's no turning back. 3 months na lang! Tapos na! isusuko ko pa ba lahat? No....probably not...

A Man Of No Sleep... Eto ako ngayon, lalo na't it's JANUARY! BOOM! Madugo.... So many requirements to pass dahil may Academic week sa January wherein halos lahat ng subjects nagbibigay ng major projects or performance tasks na kailangang ipasa agad Agad AGAD! Mahirap! lalo na't lagi na lang akong leader! Ganun naman kasi lagi eh! kung sinong may magandang rank, siya lagi nagiging leader kahit may iba naman sa grupo na kaya namang i-take yung responsibility. Yes, kaya ko maging leader. I can do everything, but I can't do it all all at once! Aside from that, mayroon ding mga interclass competitions like quiz bees. For someone who's aspiring for honors, importanteng importante talaga itong mga quiz bee, aside from the points na makukuha mo kapag nakasali ka na ilalagay sa extra-curricular activities, makakareceive ka rin ng massive incentives para sa subject na yun! Another thing, SG nanaman! nalalapit na kasi yung mga important projects na dapat naming asikasuhin. Tsk! very frustrating! Also, this january nagsisilabasan yung mga results ng College Admission Tests/Entrance Exams for College. Only UPCAT and USTET lang tinake ko. Hindi na ako umaasa sa UPCAT kasi may topak yung utak ko nung sumagot ako nun. I'm ill kasi! KAINIS! sa dami-dami ng pwedeng tsemphuan nugn sakit ko nung UPCAT pa! ang nakakainis pa, the next day nung araw ng upcat ay magaling na ako! Para bang sinadyang sa UPCAT talaga ako magkasakit. Haaaayyy, bahala na, sana makatyamba! Cross fingers naman ako sa USTET! SANA TALAGA MAKAPASA AKO! PLEEEAAASSSEEEEE!! January 18 pa kasi irerelease yung results. Kinakabahan ako. If hindi ako pumasa aasikasuhin ko pa uli kung saan pa ako mag-eexam. Nakakapressure.

Mostly, school lang talaga yung pinakamajor problem ko. Pero because of school, I have my greatest escape from home. May issues kasi ako sa bahay pero I'll not try to talk about it today. Maybe someday or never. Bahala na.

Kapag mataas ang demand pero mababa ang supply, edi dapat taasan na ang price! Haaayyy, if there's just a price, mayaman na sana ako or may pera na sana ako!