My very first post! Yey! 'Di na ako nag-aaspire na may sadyang magbabasa ng blog kong ito. Gusto ko lang talagang magsulat at matry magblog. Is it too late? Tagal na kasi sumikat ng mga blog eh. Pero anyway, I'm don (Like that's my real name). As a very busy person, full of expectations and demanding schedule, nahirapan na talaga ako ilabas yung talagang nasa isip ko. In my case kasi, you have to be professional. Trabaho kung trabaho. Yes, senior student pa lang ako sa St. Louis College Valenzuela (SLCV), but it's really tough you know. The school definitely have some standards to maintain most especially if you're aspiring for honors. Aside from being a nerd (at some point I consider myself as that, masyado kasi akong obsessed sa grade) in the class, I am also the Treasurer of the Student Government (SG) sa HS dept. Ang hirap, no, not maging treasurer pero to be SG itself. I never thought na ganun ako mahihirapan sa pinasok ko. Last year kasi Math Club Vice-president lang ako, and it went out pretty good kaya I had had the courage to try and experience to become an SG. At some point nga lang, pinagsisisihan ko na na tumakbo ako in the first place pero there's no turning back. 3 months na lang! Tapos na! isusuko ko pa ba lahat? No....probably not...
A Man Of No Sleep... Eto ako ngayon, lalo na't it's JANUARY! BOOM! Madugo.... So many requirements to pass dahil may Academic week sa January wherein halos lahat ng subjects nagbibigay ng major projects or performance tasks na kailangang ipasa agad Agad AGAD! Mahirap! lalo na't lagi na lang akong leader! Ganun naman kasi lagi eh! kung sinong may magandang rank, siya lagi nagiging leader kahit may iba naman sa grupo na kaya namang i-take yung responsibility. Yes, kaya ko maging leader. I can do everything, but I can't do it all all at once! Aside from that, mayroon ding mga interclass competitions like quiz bees. For someone who's aspiring for honors, importanteng importante talaga itong mga quiz bee, aside from the points na makukuha mo kapag nakasali ka na ilalagay sa extra-curricular activities, makakareceive ka rin ng massive incentives para sa subject na yun! Another thing, SG nanaman! nalalapit na kasi yung mga important projects na dapat naming asikasuhin. Tsk! very frustrating! Also, this january nagsisilabasan yung mga results ng College Admission Tests/Entrance Exams for College. Only UPCAT and USTET lang tinake ko. Hindi na ako umaasa sa UPCAT kasi may topak yung utak ko nung sumagot ako nun. I'm ill kasi! KAINIS! sa dami-dami ng pwedeng tsemphuan nugn sakit ko nung UPCAT pa! ang nakakainis pa, the next day nung araw ng upcat ay magaling na ako! Para bang sinadyang sa UPCAT talaga ako magkasakit. Haaaayyy, bahala na, sana makatyamba! Cross fingers naman ako sa USTET! SANA TALAGA MAKAPASA AKO! PLEEEAAASSSEEEEE!! January 18 pa kasi irerelease yung results. Kinakabahan ako. If hindi ako pumasa aasikasuhin ko pa uli kung saan pa ako mag-eexam. Nakakapressure.
Mostly, school lang talaga yung pinakamajor problem ko. Pero because of school, I have my greatest escape from home. May issues kasi ako sa bahay pero I'll not try to talk about it today. Maybe someday or never. Bahala na.
Kapag mataas ang demand pero mababa ang supply, edi dapat taasan na ang price! Haaayyy, if there's just a price, mayaman na sana ako or may pera na sana ako!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento